Total Pageviews

Tuesday, May 24, 2011

Super Gitik!


Pabili

Bata: Pabili!
Yaya: Ano bibilhin mo?
Bata: Kendi nga po.
Yaya: Wala eh.
Bata: Coke nalang po!
Yaya: Wala din.
Bata: Sige, juice nalang po.

Yaya: Wala nga! Kita mong ice for sale yung nakasulat, malamang ice ang tinitinda namin!! Tanga mo talaga.

Bata: Ikaw yung mas tanga! Kita mong ice lang ang tinitinda niyo nagtatanong ka pa kung ano bibilhin ko!

PASARAPAN NG ULAM

Pedro: ano ulam nyo?
Juan: Blanched green leafy vegie with crushed sweet tomato in sparkling salted sea food.
Pedro: wow! ang sarap nman nun! anu un?
Juan: talbos ng kamote at bagoong na may pinisang kamatis..
Juan: Ano ulam niyo?
Pedro: Fish Fillet De El Niño!
Juan: WOW! Sosyal, Ano yun?
Pedro: BULAD!!

ANG MAG - INA

NANAY : hoy bata ka !

ANAK : hoy bata ako ! san ako galing !? ala dos na ng madaling araw ah ?! ang tanda ko na wala pa akong isip ! di ko ba alam na nag - aalala sila nanay at tatay ? punyetang bata ako ! hala sige lumayas ako at wag ng bumalik !

NANAY : grabe ka naman anak , tatanong ko lang naman kung kumain kana eh.

No comments:

Post a Comment