Total Pageviews

Tuesday, May 10, 2011

Siling Labuyo

Siling Labuyo

Hindi po namin layunin ang manira ninoman at kailanman
nais lang namin magbukas ng isipan
                       maanghang pero mabitamina
                                      ni Ka Andy Cruz



ILLOGICAL LOGIC (MALABONG PALUSOT); INSULTO SA MGA MAMAMAYAN!!!

                Laking gulat ng siling labuyo nang madinig ang report ng Local Tv Patrol Ng Abs-Cbn nitong nagdaang 27 ng Abril 2011, kung saan LINDOL ang naging dahilan ng bitak sa pond ng PLAZA HENERAL SANTOS na ginastohan ng AIM administration ng mahigit sa 34 na MILYONG PISO ng BUHIS ng mga GENERALS daw (Mamamayan ng General Santos ayon sa bansag ng AIM).
                Hindi ko malaman kung ganuon nga kalawak ang pinsala ng naging pagyanig sa Japan noong nagdaang ika 11 ng Marso na nag bunga ng TSUNAMI sa bansang Hapon at naging dahilan ng krisis na hinaharap ng Bansang Hapon, wala naman akong natatandaan na nagkaroon ng matinding pagyanig o lindol na tumama sa General Santos, Mula ng matapos at mabuksan sa publiko ang naturang plaza.
                Sa naging pahayag ni Mayor DMAC (Darlene Magnolia Antonino Custudio) “Ang City Admin Office under siya ke Teody, ang kagandahan Gensan ang nagmaintain, but the…but ah… because the…ss..yung sa pond may maliit na crack…because of the…of the earthquake, so nagleleak sya. So kailangan lang syang e e repair, but we need money to repair it. Hindi sya…hindi sya yung tipong pwede lang tabunan.” Ganito mismo ang pautal-utal na naging pahayag ng alkalde base sa report ni Chat Ansagay.
                Ng aking tanungin ang mayor sa kanyang sa kanyang linguhang presscon noong nag daang araw ng martes (May 03, 2011) sa conference room ng kanyang tangapan, hinihintay pa daw nya ang detalyadong report ng City Engineers Office ang mabilis na sagot ng alkalde. Bagaman at marami ang nagtataas ng kilay sa naging pahayag ni Mayor DMAC hingil sa dahilan ng mabilis na pagkasira ng proyekto ng ginastusan ng napakalaking halaga (34 Milyon Piso).
Baga man at napakahirap paniwalaan; aalamin ng Abante Socsargen News research department  sa pamamagitan ng PHIVOLCS kung ano ang mga tumama na pagyanig sa lunsod ng Heneral Santos na sinabi ng alkalde na sanhi ng pagbitak ng pond ng PLAZA HENERAL SANTOS.
                Naunang naging dahilan ng Media sa pagbatikos sa naturang 34 na milyong piso na proyekto sa ilalim ng pamunuang AIM ng napuna na isa isang nalagas ang ang mga titik ng pangalan ng naturang plaza, na tiyak kaya madaling natangal ay dahil sa mababang kalidad ng pagkakatrabaho, kaya heto na naman at nagbitak na ang artificial pond nang nasabing proyekto, base sa pahayag ni Mayor DMAC, tila wala na itong planong pa imbistigahan ang nasabing pal-pak na proyekto, bagkus nag bigay ito ng pahayag na hahanapan na lang daw ng pundo ang para sa repair ng naturang pond, wala na rin daw pananagutan ang contractor dahil lampas na sa warranty ng naturang proyekto, ito ay sa kabila ng pahayag ng care taker ng naturang plaza (sa pareho ding report ng local tv patrol) na sa simula pa napansin na nila na may deprensya ang naturang proyekto.
At nais lang natin itanong kay Mayor DMAC, hindi kaya insulto sa mga tinatawag ninyo na GENERALS na gawin ninyong dahilan ang hindi ninyo matukoy na lindol na sabi ninyong dahilan ng pagkasira nang napakamahal na proyekto ng inyong kapartido?
Maliban dito sa ganitong mga pahayag at pamamalakad ni Mayor DMAC na anak mismo ng ulo ng partidong AIM hindi kaya magdalawang isip na ang mga supporter ng partido; kaalyadong mga kagawad, lalo na itong si Kagawad Vic Dante aka Dante Vicente kung paano nila ipapaliwanag ang sinasabi nilang INTEGRITY ng kanilang Movement?
  Maliban pa dito sa programa naman nitong si Mayor DMAC sa radio, nilinaw ng alkalde na hindi na muling bibigyan ng prangkisa ng syudad ang mga tricycle operators na hindi taga General Santos,(dahil dito medyo natigilan ako sa aking ginagawa at napasambit ng … OMG…LOOK WHOS TALKING!!!).
Baka hindi naisip ng mga ito na maliban sa mukhang paglabag sa prinsipyo ng free enterprise ang naturang hakbang; malinaw na ang mga drivers at operators na ito tulad din ng mga ilang maliliit na mga mamamayan ng Gensan ay ang tunay na dahilan kung nasaan na ang syudad sa ngayon na kanilang pinaghahari-harian, na ang problema lang ay ang pagiging mga residente ng mga katabing bayan ng lunsod at malinaw na hindi sila mga botante ng syudad.
Malinaw pa sa sikat ng araw na ang problema sa hanay ng transportasyon ay dahil sa kapabayaan na rin ng mga nasa gobyerno sa mga nagdaan na panahon, at kung lilingunin natin kung sino ang mga ito ay wala kang makikita kung hindi ang liderato pa rin ng AIM na syang may hawak ng renda ng pamahalaan sa loob ng dalawang dekada. 
Hindi ko lubos na maunawaan kung ano ang matino na basehan ng AIM administration, matapos ang mahabang panahon na hindi nila binigyan ng tamang solusyon ang problema ng pangunahing transportasyon ng syudad sa nagdaang panahon.
TAMA KAYA NA BAWALAN NG ANG ILANG MGA NAGMAMAY-ARI NG TRICYCLE NA MAGHANAPBUHAY SA GENSAN NG AIM ADMINISTRATION  DAHIL LANG SA SILA AY NANINIRAHAN SA KARATIG BAYAN NG SYUDAD, LALO NA AT ANG NAGSASABI AY HINDI NAMAN TALAGANG TAGA GENSAN?
                                                                                -0-0-0-0-0-

Dapat mag-isip itong si Kagawad Vic Dante aka Dante Vicente sa kanyang mga iginigiit na paniwala nya sa ibig sabihin ng demokrasya lalo na sa hanay ng Media, marahil ay dahil sa kailan lang naman naligaw dito sa lunsod ng Heneral Santos itong mama na ito bilang Media, kaya hindi nya lubos na kilala ang kakayahan, at prinsipyo ng mga tunay na taga Gensan.
Sa ginawang lecture ng kagawad sa mga media na nagsidalo noong nagdaang araw ng Martes May 03, 2011, sa regular na presscon ni Mayor DMAC, nagulat na lang ang mga media na nagcover ng bigla nitong ipaliwanag na kung ano daw ang mapagkasunduan nilang mga majority na mga kagawad sa sangunian ay yoon na… at yoon di umano ang demokrasya.
Sa gulat naming nasagot ko sya ng “that’s your own opinion”, at medyo nagkatawanan ang grupo, sa sama yata ng loob ng nasabing kagawad, sinundan pa ng ang mahirap daw sa media ay nagbabalita at nagsusulat lang ng pabor sa isang panig, at di umanoy naka payroll… ewan kung ano at sino ang tinutukoy nito, sinagot ko naman ulit na he he he maybe that is your style.
May kinalaman sa naturang usapin sabi nga ng aking kaibigan na si Atty. Emmanuel Fontanilla na isa ring masasabing Lawyer na Media, na ang simpling sangkap ng demokrasya ay Fairness (pagiging patas o pantay) at Justice (hustisya).
Sa simpling paliwanag naman ni kasamang Rody Guzon ng Fiscalizer ay ang demokrasya ay simpling “VOX POPULI  VOX DEI” kung saan ginagalang ang tinig ng higit na nakakaraming mamamayan. 
Saganang akin base sa prinsipyo ng demokrasya, ginagalang ang GENERAL WELFARE ng Sambayanan at hindi ng PARTIDO. At para sa kapakanan ni Kagawad Vic Dante aka Dante Vicente eto ang cut and paste ng mga nilalaman ng Constitution ng Bansang Pilipinas.
Preamble ; We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society established a government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.
                Ito ang nilalaman na paunang salita ng pangunahing batas (fundamental law) ng bansa kagawad kung saan tinutukoy ang sinasabi mong demokrasya (democracy), sana ay makatulong ito upang maging giya upang maunawaan natin kung ano ang demokrasya.
                 DALANGIN PO NG SILING LABUYO SA MGA HALAL NG BAYAN NA KUNG KAYO AY GAGAWA NG MGA PALUSOT SA MGA PANGUNAHING ISYU NA NAGSASANGKOT SA INYONG MGA PANUNUNGKULAN, SANA NAMAN PO AY HUWAG NAMAN NINYONG GAWING MISTULANG MGA TANGA SA INYONG MGA RASON AT KATWIRAN.
Sa susunod na issue ilalathala ang nilalaman ng section 458 at section 16 ng Local Government Code, kasama ang ilang paliwanag gamit ang sentido kumon (common sense).
                For your reaction, comments and suggestions please email brodkaster585@yahoo.com
                 




EDITORIAL: Democracy
                In democracy where right and freedom is guaranteed, lets not forget that our right ends where the right of other begins, kabilang banda sabi ng isang matandang kasabihan sa wikang English na “a chained dog is only allowed to go as far as his chain allows”. Sa mga Kagawad ng Sangunian panlunsod ng Heneral Santos, please feel free to see where in the two lines you belong.
               



.

No comments:

Post a Comment