Total Pageviews

Tuesday, May 24, 2011

Siling Labuyo

Hindi po namin layunin ang manira ninoman at kailanman
nais lang namin magbukas ng isipan
                       maanghang pero mabitamina
                                      ni Ka Andy Cruz 



KAGANDAHAN NG PANUKALANG RH BILL:

            Wala nang gaganda pa na epekto ang RH BILL kung hindi ang Makita ang mga tunay na kakayahan ng mga nagsibahagi sa talakayan nito, makikita mo ang antas ng talino (wisdom) ng mga pangunahing tao na nagbibigay ng pahayag sa nasabing usapin, mula sa pangulo ng bansa, mga senador, mga kinatawan ng kongresso, lokal ng opisyal ng pamahalaan, pati na mga kasapi ng media.
            Saganang akin ang RH bill ay isang uri na naman ng batas na nais maipasa dahil sa kumpromiso na pinasok ng ating pamahalaan, sa usaping ito ayon kay Lagman ay bahagi ng katuparan ng isang usapin kung saan ay nilagdaan ng mga kinatawan ng bansa sa WHO ( World Health Organization)
            Sa argumento na sagot ito sa kahirapan, mas mukhang ito ay dagdag sa kahirapan kesa sa punto na ito ay kasagutan, ito ay dahil sa mga sumusunod na katwiran;
            UNA – ililigaw nito ang taong bayan at pamahalaan sa pag-pupumilit sa tamang aksyon na pipigil sa kurapsyon, at ito ay karagdagan na bawas sa pundo ng bayan kung saan meron na namang ilang makikinabang sa pagbili ng mga artipisyal na kontraseptibo na ipamamahagi sa taong bayan. May epekto ang edukasyon at dagdag kaalaman laban sa maaring mabigyan proteksyon ng mga kontraseptibong ito.
            PANGALAWA – tulad ng OIL DE-REGULATION, EPIRA LAW (sa kuryente), CHILD PROTECTION LAW, at iba pang palpak na batas na hango sa kultura ng kanluran, ay lumalabas na hindi angkop sa tradisyon at kultura ng ating bansa at mamamayan. (pati nga natural na kulay ng balat ng pinoy ay nais na baguhin ng ilan nating mga kababayan gamit ang GLUTATION para makuha ang kulay ng balat ng mga banyaga sa kabila ng peligrong dala nito)
            PANGATLO – higit na Malabo ang pagbibigay ng solusyon kung pagsasama-samahin ang ano mang problema upang bigyan ng isang sulosyon. Tulad ng sakit na komplekado mas malaki ang tsansa na mahirap nang gamutin.
            Kung ang mga problemang nais na bigyan ng sulosyon sa bansa ay kahirapan mas nasa tamang landas pa ang pagbitay sa mga opisyales na masasabit sa ano mang transaksyon na nalugi ang bayan sa halagang 1milyon ng sa ganoon ay matigil na ang mga pagwawaldas ng pondo nga bayan sa mga proyektong ginugugulan ng milyun milyon pero konting lindol lang ay sira na!!! tulad ng POND SA PLAZA HENERAL SANTOS, o hindi kaya ay census daw na gagasto ng halos 12 milyon piso, gayong katatapos lang ng Census ng NCSO. (para makuha lang at pangalan at address ng lahat ng Botante ng syudad he he he bagaman at ayaw aminin) BILANG SAGOT SA KURAPSYON, TINGNAN LANG NATIN KUNG HINDI MAUBOS ANG MGA MAGNANAKAW SA GOBYERNO.
            Ang senadora na si Miriam Defensor Santiago ay animo binuhusan ng malamig na tubig matapos mabalitaan ang reaction ng Pac Mom, dahil kung ating pag-aaralan ay higit na may katwiran ang Pac Mom kesa sa kanya na dapat sanay may mataas na pinag-aralan, marahil ay hindi agad naisip ni Senadora Defensor na ang pakikilahok sa mga talakayan na may kinalaman ang taong bayan ay karapatan ng Bawat Pilipino, LALO NA PARA SA ISANG KINATAWAN NG KONGRESO,. Resulta tame-me si Santiago, dahil higit na may tamang katwiran ang PAC MOM he he he.
            Sa mga sagot at paliwanag naman ni Congressman Lagman, mapapansin mo ang mapanuya na sagot nito na binibigyang diin na nasagot na niya ang ilang katanungan ng Kinatawan ng Lalawigan ng Sarangani sa Katauhan ng Kagalang galang na Emmanuel “Pacman” Pacquiao, noong nagdaang araw, bago tuluyang sumagot, na sya namang sinakyan ng ilang media na bumatikos.
            Ang hindi nila napansin na kung hindi ito muling itinanong ng Kinatawan ng Lalawigan ng Sarangani ay hindi ito mabibigyang pansin pati na ng media at taong bayan.
            Dahil yun ay nagkaroon lang ng kanilang pansin dahil sa “prominent” ng Pambansang Kamao na nakikipagbalitak takan sa mga gaya ni Lagman na nagsitanda na sa kongresso, at matagal nang politiko na wala namang nagawa upang tulungang bumangon ang lalong naghirap na mga Pilipino, (patunay nito; alin bang istasyon ng TV o Radio ang nag-ere  ng bahagi ng mga sinasabing tanong na naitanong nang dati kay Lagman ng ibang kinatawan ng Kongreso?)
            Bagaman at akoy naniniwala na dapat mabigyan ng kasagutan ang mga pangunahing problema ng bansa sa kahirapan bunga nga malawakang corruption, tamang pag paplano ng pamilya, pangangalaga ng kalusugan ng mga ina, wala sa panahong pagbubuntis, at paglaban sa sakit na gaya ng HIV-AIDS, ako ay hindi naniniwala na ang mga problemang ito ay matutugunan ng RH Bill na ngayon ay ipinipilit ni Lagman at iba pang sumusuporta dito, kasama na ang pangulong Pnoy.
            Ayon na rin sa sagot ni Lagman sa ilang Katanungan ni Congressman Pacquiao, ang kanyang panukalang Batas ay walang lakip na Kaparusahan sa ilang punto na ito ay lalabag sa paniniwala ng simbahan, sa madaling salita, ang batas na ito ay nagnanais lang ma isa legal ng ilang bagay na hindi pinapahintulutan ng kasalukuyang mga batas at paglalagay ng mga pundo para sa ilang nais na ibenta sa pamahalaan(sino na naman kaya ang kikita dito).  
Kung nais nila na mabigyan ng tamang sagot ang mga nabangit na problema ng Bayan, marapat lang na TAHAKIN NILA ANG TAMANG LANDAS.
            ANG RH BILL NA ITO AY WALANG PINAGKAIBA SA OIL DE-REGULATION, SA EPIRA, CHILD PROTECTION LAW, na matapos naipasa ay nagdulot lang ng higit na problema sa sambayanan, matapos makinabang ang iilan.
KAPAG ANG SAKIT AY ULCER; HUWAG MONG BIBIGYAN NG GAMOT SA SAKIT NG ULO!
           
            For reactions, comments and suggestions; please email us at brodkaster585@yahoo.com    
  

No comments:

Post a Comment