Hindi po namin layunin ang manira ninoman at kailanman
nais lang namin magbukas ng isipan
maanghang pero mabitaminani Ka Andy Cruz
KAMPEON SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA:
Mistulang liwanag ng kandila sa gitna ng pusikit ng kadiliman ang mga ginagawang halimbawa, kilos, pahayag at paninindigan ng Pambansang kamao na sya ring kinatawan ng lalawigan ng Sarangani, sa katauhan ng Kagalang – galang na Congressman Emmanuel “Manny” D. Pacquiao.
Lalong tumatag ang aking paghanga sa Kampeon nitong nagdaang araw ng lingo (Mayo 15) sa maikling prescon na ginanap sa kapitolyo ng Sarangani, ng isa sa mga media ay nag tanong hingil sa di-umanoy nais nitong ipahayag na hindi pa nito nasasabi.
Matagal bago sumagot ang kinatawan ng Lalawigan habang tinitingnan ang ilang opisyales sabay bangit na “may nangyayari bang hindi ako nalalaman dito”… isa sa mga alkalde ng lalawigan ang medyo nangiti sabay pabulong na sinabi na si Mayor Danny Martinez ang pasagutin, ang senaryo na ito ay nagbunga matapos lumabas sa local TV patrol ng ABS-CBN sa pangalawang pagkakataon ang ulat na magsasanib pwersa ang kasalukuyang Gobernador ng lalawigan at kampo ng PCM ng Pambansang Kamao, at di-umanoy sa darating na 2013 bababa ang ngayon ay kinatawan ng lalawigan at tatakbo bilang Gobernador ng lalawigan, at ang kasalukuyang Gobernador naman ay tatakbo bilang kinatawan.
Sa nangyaring ito hindi malayo na may masabon ng kagalang-galang na Congressman sa ginagawang pag kumpromiso sa kanya ng ilan nitong ka alyado sa partido, maliban dito nabuking din ng Kagalang-galang na Congressman ang ilan sa mga Board Members sa usapin na itatayong de uling na planta ng koryente ng pamilya ng gobernador ng sa bayan ng Maasim, na salungat sa sigaw ng partido sa pangangalaga ng kalikasan noong nagdaang eleksyon.
Kung ang ilan sa mga kasapi ng PCM ay sumapi lang sa partido ng PCM para manalo sa eleksyon at makalibre sa gastos, palagay ko ay nagkakamali ang mga ito sa kanilang ikinikilos sa ngayon, lalo na at hindi nila nakikita at nababasa ng tama ang tunay na prinsipyo at paninindigan ng Congressman.
Sa maikling panahon mula ng manalo ang Congressman, hindi ko pa nalilimutan ang ilang mga pangyayari na akin mismong narinig at naranasan sa pag cover sa nasabing Congressman, kasama na ang mga binangit ng Kampeon ng ako ay magpaalam sa kanya, kasama si Lito de la Peña ng DXGS, noong madaling araw matapos lumabas ang resulta ng nagdaan election sa JMix arcade sa may daang Aparente, ng Barangay City Heights ng Heneral Santos.
Ganito ang sabi sa amin ng Kampeon, “isang bagay lang ang iingatan ko ngayon, ang magaya sa ibang politiko”. Sa binangit na ito ng bagong halal na Congressman sa amin nung panahon na yon, tila ba nakakita ako ng liwanag sa kabila ng dilim, sabay sagot ko naman sa Kampeon na kung ganyan ang kanyang gagawin ay matagal syang makakasama ng siling labuyo, na hindi lingid sa kaalaman ng mga mamamayan na taas noong sumuporta sa Kampeon sa paghahangad ng makakita ng mga matitino at mga taong may dedekasyon sa tunay na paglilingkod sa taong bayan.
Ang bagay na ito marahil ang hindi alam ng ilan sa mga kaalyado ng PCM na sumabay lang sa partido ng Kampeon dala ang pansariling agenda. Ganoon pa man ang ating paalala sa mga ito ay magpakatotoo na kayo he he he I will repeat “ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS”, (halata kayo masyado sa mga body language ninyo) baka ma shampohan kayo na walang banlawan kayo din.
-0-0-0-0-0-
Nitong nagdaan na May 11, 2011, inilabas ng RTC branch 37 ng Heneral Santos inilabas ni Judge Panambula M. Mimbisa ang disisyon may kinalaman sa Civil Case No. 8045, may kinalaman sa pagpapawalang bisa sa ilang bahagi ng Internal Rules of Procedures ng Sangunian Panlunsod ng Heneral Santos na inireklamo ng mga minoridad ng Sangunian.
Ayon sa pangalawang pahina ng ORDER (Civil Case 8045) sa huling talata sinasabing “it is true, and this presiding judge in his personal point of view believes that the rules of procedures as adopted by the City Council have deviated from the previous rules of procedures that governed the conduct of business of the city’s Sanguniang Panglunsod. These deviation indeed, have clipped some flexibilities and prerogatives accorded former occupants of the Office of the City Vice-Mayor of General Santos City. But for all its inequities or inadequacies as pointed out by the petitioner, this court could not find any laws that has been violated or public moral or public policy that has been harassed or put to test. Under Article 2 Section 456 para (5) of Title III of the Local Government Code prescribing the Powers, Duties…
Malinaw, na pati ang huwes na duminig sa nasabing kaso, napuna ang deviation ( divergence, departure, difference, movement away, variation, digression) na nag bunga ng pagkaka clip ng ilang flexibilities and prerogatives ng tangapan ng Vice Mayor, bagaman at ayon sa Huwes ay wala itong nakikitang ano mang batas na nalabag, mukhang hindi ako sang-ayon na wala itong nalabag sa usaping public moral, maliban na lang kung iba ang ibig sabihin sa batas ng PUBLIC MORAL ayon sa hukuman; sa leteral na ibig sabihin ng naturang mga kataga.
Ayon sa sampung utos (TEN COMMANDMENTS) sa Bibliya sa aklat ng Exodus (Chapter 20), sa ika sampung utos; ganito ang sabi sa wikang English “You shall not covet your neighbor's house; you shall not covet your neighbor's wife, nor his male servant, nor his female servant, nor his ox, nor his donkey, nor anything that is your neighbor's.”
Hindi kaya alam ng mga kagawad ng AIM na 100% na sumasang-ayon sa nasabing IRP na kanilang ipinagtatangol, kailangan ba na ang inyong mabasa sa sampung utos ay malinaw pa na “NOR THY NEIGHBORS FLEXIBILITIES AND PREROGATIVES”?
Kasabihang legal na “a fruit of a poison tree; is a poison” sa paniwala ng Pangulong Pnoy na nais baguhin ang kalagayan ng bansa tungo sa pag angat ng kabuhayan ng mga PILIPINO ay ang pagtahak sa tamang landas,
Eto ang mga tanong:
Sinadya ba ito ng mga nasa partiodong AIM? ANO ANG LAYUNIN NG PARTIDONG AIM, BAKIT NILA SINADYANG IPITIN ANG TANGAPAN NG BISE MAYOR SA PAMAMAGITAN NG NATURANG IRP?
Kung hindi nila ito sinadya, ano ngayon ang planong hakbang ng kanilang Majority Floor Leader na sya din nag boluntaryong naghanda ng naturang IRP.
For reactions, comments and suggestions; please email us at brodkaster585@yahoo.com
No comments:
Post a Comment