SOLUSYON AY SAGOT SA PROBLEMA:
ANO BA ANG RH BILL?
Mainit na pinag-uusapan sa Kongreso sa kasalukuyan ang matagal nang iginigiit na Reproductive Health Bill, ito ay isang batas na naging kontrobersyal dahil sa mga usaping napapaloob na may kinalaman sa artipisyal na pagpigil sa pagbubuntis, na mahigpit na tinututulan ng simbahang Katoliko, SEX EDUCATION, na di umanoy upang mapigilan ang hindi napapanahong pagbubuntis ng ilang mga kababaehang kabataan, at ang paglaganap ng HIV-AIDS, isang uri ng karamdaman na nakakahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Ito ang mga pangunahing dahilan ng mga pabor sa mga nasabing usapin, sagot nga ba ito sa mga nasabing problema? O ito ay tulad din ng mga batas na DE-REGULASYON ng petrolyo, EPIRA na lalong nagpalala at magpapalala ng problema sa kuryente, child protection law, na lalong na nagiging pangunahing dahilan ng mga kriminal sa pag gamit ng mga sindikato sa mga kabataan, at iba pang mga batas na lalong naglulubog sa bansa sa lusak ng problema. SOLUSYON BA ITO O DAGDAG KONSUMISYON?
No comments:
Post a Comment