MGA PILATO AT HUDAS SA BAGONG PANAHON:
Bago mag semana santa nitong buwan ng Abril, pormal na naisampa ng Besi Mayor ng lunsod ng Heneral Santos kasama ang mga magigiting na Kagalang galang na dalawang kagawad ng oposisyon, upang ipaglaban ang katwiran sa tamang pamamalakad ng sangunian, kalakip ang pagbibigay ng respeto at galang sa katungkulan ng mga pinaghiwalay na kapangyarihan ng ehikutibo at lehislatura ayon sa pinag-uutos ng saligang batas.
Bago tuluyang sumapit ang mahabang bakasyon, na nagsimula ng Huebes Santo ay naganap ang unang pagdinig ng reklamo, at ang paglabas ng TRO o Temporary Restraining Order, isang utos na naglalayon na maibalik ang kaayusan ng pamamalakad at relasyon ng naturang sangunian.
Sa mga reaksyon na lumabas sa mga nasasangkot sa nasabing usapin, hindi malayo na makikita mo ang mga kaganapan ng panahon na ang panginoon ng sya ay ipagkanulo ni Judas kapalit ng 30 pesetas.
Sa ngayon makikita mo kung paano ipagkanulo ng mga Hudas ng makabagong panahon ang mga taong bayan; kapalit ng suporta ng partido, maliban dito naririyan din ang ilan na ala Pilato na naghuhugas kamay sa harap ng publiko; na nagkukunwari na walang alam sa mga kaguluhan na bunga ng kasakiman sa kapangyarihan; upang maipatupad ang kanilang makasariling hangarin, gamit ang pundo ng bayan.
Ang mga ito ay tila nakalimot o sadyang hindi lang nila alam na sa aral ni Mateo sa kapitolo 25: bersikulo 40 ng banal na kasulatan ay nakasaad “ Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin” sa wikang english naman ng king james version ay “And the King shall answer and say unto them, Verily I say unto you, In as much as ye have done it unto one of the least of these my brethren, ye have done it unto me”.
Sa palagay ninyo ilan kaya sa mga maliit nating mga kababayan ang inyong dinaya, inapi, pinagdamutan ng serbisyo at iba pa dahil sa hindi sila kasapi o supporter ng inyong partido?... patawarin nawa kayo sa inyong mga kalapastanganan.
-0-0-0-0-0-0-
Ano na ba ang nangyayari sa lalawigan ng Sarangani, bakit halos isang lingo na sa radio ang naganap na di umanoy abuso na ginawa ng ilang miembro ng Provincial Public Safety Company ng PNP, sa ilang mga mangigisda ng Sitio Lago,Brgy. Kawas, bayan ng Alabel ay tila wala tayong naririnig na ginawang hakbang ang Gobernador na dati’y hindi a-abot ng 24 oras kung umaksyon at gumagawa ng aksyon para sa mga ganitong uri ng mga abuso.
he he he baka naman ina-antok pa si Gobernor… Hey Governor wake up!!!
-0-0-0-0-0-
Nais naming magpaabot ng pasasalamat sa lahat ng mga magigiting na kagawad ng Barangay San Isidro, Lunsod ng Heneral Santos sa pangu-nguna ng kagalang galang na Punong Barangay, ATTY. EDMAR YUMANG sa kanilang tulong sa pagsasagawa ng mga public hearing at pagpapasa ng isang resolusyon ng walang pagtutol (Barangay Resolution INTER-POSING NO OBJECTION) sa proyekto ng RADYO ALERTO sa daang Yumang st. ng nasabing Barangay, minsan pa maraming salamat po.
Hangang sa susunod na isyu, para sa inyong reaction, comments at suhistyon maari po lamang ipadala sa aming email sa brodkaster585@yahoo.com
E D I T O R I A L
May epekto ba sa buhay ng mga uma-angking mga Kristiano at taga-sunod ni Kristo ang Semana Santa o Pagunita ng pagbubuwis ng Buhay ng Bugtong na anak ng Diyos upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan?
Ito marahil ang tanong na dapat sagutin ng bawat isa sa ating mga uma-angkin na mga Kristiano.
Maging ikaw man ay isang ordinaryong tao, mahirap o mayaman, may katungkulan sa Gobyerno o wala, sa katatapos na semana santa, ano ba ang mga kamalian at pagmamalabis na ginawa mo sa nagdaang panahon na sisimulan o sinimulan mo nang baguhin, matapos ang paalala ng isang lingo (Holy Week) na nag daan.
No comments:
Post a Comment