LOS ANGELES ---Magandang araw po ulit sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Sa simula ng linggong ito, tumungo si coach Freddie Roach sa England upang pamunuan ang paghahanda ng aking kapwa boksingero at kaibigan na si Amir Khan na lalaban ngayong Sabado. Good luck sa inyong lahat diyan habang maayos naman ang paghahanda ko rin dito sa Los Angeles para sa nalalapit na laban kontra kay "Sugar" Shane Mosley sa May 7.
Nakahanda na halos ang lahat para sa bakabakan na magaganap sa malawak na MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Halos sold out na raw ang laban at may mahigit tatlong linggo pa ang bubunuin para makuha natin ang pinakamagandang kondisyon kontra sa beteranong fighter mula rin dito sa southern California.
Hindi biro ang kalabang si Mosley kaya naman kahit na wala sa bansa si coach Freddie, seryoso pa rin ang mga kaganapan sa training. Kapag wala si coach Freddie, si Buboy Fernandez ang sumasalo sa aking mga suntok upang mapaghandaan namin ang anumang pwedeng gawin ng kalabang si Mosley.
Kahit wala si coach Freddie, si Buboy, kasama rin si Nonoy Neri at ang strength and conditioning coach na si Alex Ariza ang humahalili sa akin. Kaming dalawa ni Buboy ay matagal nang magkasama, simula pa noong kami ay mga bata pa sa General Santos. Minsan, noong bumalik ako sa probinsiya pagkatapos kong mapanalunan ang OPBF flyweight title, isinama ko si Buboy sa Maynila upang siya ang aking makasama sa araw-araw. Tinuruan ko siyang humawak ng mitts at maging isang magaling na trainer.
Ngayon, masasabi kong dalubhasa na rin si Buboy sa kanyang career bilang boxing trainer. Nalalaman niya ang sistema at kilos na siyang magbibigay ng tagumpay sa anumang laban. Dahil wala si coach Freddie, si Buboy ang humahawak ng buong training camp. Kasama naman ni Buboy si Nonoy, isa ring magaling na trainer. Bukod diyan, si Pare Nonoy ang namamahala sa aking pagkain. Siya ang nagluluto ng mga masasarap na mga pagkaing Pinoy kaya siya ang susi ng aking diet.
Sa labang ito, kinakailangan kong kumain ng marami dahil kung hindi, madaling babagsak ang aking timbang at lalo tayong madedehado sa laki ng ating makakalabang si Mosley na isang natural welterweight. Kaya naman kasama ni Pare Nonoy si Alex Ariza na siyang nagbibigay sa akin ng mga tamang supplements upang mapanatili ko ang aking timbang at kasabay nito ang hindi pagkawala ng lakas at bilis.
Babalik sa susunod na linggo si coach Freddie at tamang-tama na lalong itataas namin ang antas ng training at pag-iibayuhin namin ang paghahanda. Excited na ako sa laban kaya naman sana, ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal para sa isa't-isa upang maging matagumpay tayo sa huli.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

SILING LABUYO
Hindi po namin layunin ang manira ninoman
at kailanman nais lang namin magbukas ng isipan
maanghang pero mabitamina
ni Ka Andy Cruz
TULOY ANG LABAN!
Matapos nai-file sa korte nitong nagdaang Abril 11, 2011 ang masalimoot na IRP (internal Rules of Procedures) ng Sangunian Panlunsod ng Heneral Santos na inihanda di-umano ni Kagawad Elizabeth Bagonoc. Sumunod ang raffling para sa nasabing usapin na naitakda ng Abril 15; saganang akin maganda itong mga palatandaan na ating makikita sa mga prinsipyo ng magkabilang panig sa pakikipaglaban para sa taong bayan, ito ay malinaw na patunay sa kakayahan ng tatlong minoridad na sina kagalang galang Vice Mayor Shirlyn Bañas Nograles, Ronnel C. Rivera at Dominador Lagare III, na ipaglalaban ang kanilang paniniwala laban sa mayorya ng partidong AIM, ito ay sa kabila ng pagkaltas ng malaking bahagi ng kanilang pundo sa mga pangangailangan ng Sanguniang Panlunsod.
Sa aking napag-alaman naisampa ang naturang kaso matapos na nag-ipon ang Vice Mayor ng ilang bagahi ng kanyang sahod sa kabila ng maraming naghihingi ng tulong sa mga ito sa kanilang mga tangapan, syempre tulad ng dati kasama pa rin sa bayanihan ang dalawang Kagalang galang ng oposisyon na kagawad. He he he sadyang kahanga-hanga ang tres mosketeros na ito pagka nasa tamang katwiran harangan man ng sibat talagang palaban. Sa inyong tatlo keep it up.
-0-0-0-0-0-
Marami rin ang nagbago sa lunsod ng Heneral Santos mula ng manalo bilang number 1 na kagawad ng lunsod itong si Kagawad Ronnel C. Rivera, mantakin mo naman na tila nakatikim ng mag asawang sampal sa mukha yung isang mama na nagsabing mahina daw sa business sector itong kagawad na ito ng una itong lumapit sa partido ng AIM, na syang dahilan at tumabo ang naturang kagawad bilang independent, at presto resulta ng eleksyon naging number 1 kagawad na mas malaki ng di hamak ang nakuhang boto kumpara sa mayor na anak na mismo ng may-ari ng partido. He he he, kaya ang siste mo, ayon pati tuloy hayan at hindi malaman ni mayor DMAC kung ano anong gimik ang gagawin, kahit nagkaka-utal utal sa pag sagot sa mga katanungan e pilit na umi-eksena, mayor visibility kung baga.
kulang nalang na pati yata sya ay maki-agaw na rin ng hose ng bombero kapag may sunog (baka naman kaya lang hindi na sya naki agaw ng hose e hose ng Fire truck ng RD na pag-aari nina Kagawad Ronnel Rivera, na unang nagresponde sa sunog ang natabihan nya he he he), and mind you base sa report sa radio pati crowd control sa sunog sa calumpang pinasok na.
Unsolicited na advice lang para sa mga ganitong mga opisyales; lalo na sa mga chief executives hindi ba ninyo alam na halata na political exposure lang ang makikitang dahilan kung bakit kayo biglang nakikita sa ganyang mga eksena, lalo na at hindi naman kayo dating nakikita sa ganitong mga sitwasyon ng emergency .
Samot pa gyud at nakikita ng taong bayan ang problema ng mga butas na hose at iba pang kakulangan ng gamit ng mga fire fighting units na nagreresponde na sya ninyong dapat na gawaan ng paraan bilang mayor. (yoon ang tama at dapat na ginagawa ng isang matino at mahusay na mayor). (tama ba?)
Dag dagan pa natin; hindi rin maganda na makikita kayo na kunyari to the rescue pag may baha, dahil inuna ninyo ang pagpapasemento ng daan kahit walang maayos drainage system dahil lang sa ayon sa inyo (Mayor DMAC) ay hindi makikita ng tao ang drainage pag natapos na ang proyekto (gaya ng naging pahayag nyo sa radyo particular Tira Brigada with Atty Khan).
Tapos may eksena pa kayo kuyari na disaster preparedness program, (ginoo ko) and mind you until now hindi pa rin tapos ang drainage master plan na sinabi ni dating Mayor Adelbert W. Antonino, sinabi na din yan ni dating mayor PBA, at eto sya pa ring sinasabi ni mayor DMAC (ano ba yan!!! Sabi ng bugoy sa kanto … kumita na yan! He he he),
and mind you kahit hindi po engineer pwede ka lumaban ng pustahan ilang taoon lang ang magdadaan, ilan sa mga pinasemento at mga senisemeto na daan ngayon e muling bubungkalin para lagyan ng imburnal o kaya palitan ang mga maliliit na imburnal. (what a waste of taxpayers money).
-0-0-0-0-0-0-
Sa kauna-unahang pagkakataon masasabi ko na at least may nakita naman tayong tamang aksyon kay kagawad Dante Vicente aka Vic Dante, ng ipatawag nito ang pamunuan ng BJMP sa rehiyon dahil sa reklamo ng media sa hindi maintindihan na polisya ng naturang tangapan sa mga media may kinalaman sa pagkuha ng impormasyon at balita mula sa BJMP Gensan,
isang saludo kagawad… ituloy mo lang yan at sana ganyan lagi hindi kindi puro partido ini-isip ninyo palpak naman.
-0-0-0-0-0-0-
Lipat naman tayo sandali sa lalawigan ng Sarangani, mukhang pumalag ang ilang mga Board Members ng Lalawigan dahil sa usaping pabor at hindi sa planong itayong CFPP (Coal Fired Power Plant) dahil daw di umano sa naging report ng programang blocktime ng Conal na pabor na sila… wala daw syang sinabi na ganoon… he he he talaga? Ingat kayo sa mga body language ninyo… hindi nyo ba alam “ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS”
Hangang sa muli, for reactions, comments and suggestions, please email us at brodkaster585@yahoo.com
Editorial:
GENSAN HOME OF THE CHAMPIONS; SYUDAD DAWAT LIMPYO?
Matapos ang panalo ni Shamsey Gurrea Supsup, na taga Katangawan , natural na magbunyi ang mga taga lunsod ng Heneral Santos at mga taga Socsargen dahil sa natural na ugali ng tao na maari nating tawagin na territorial pride, subalit kapag iyong tiningnan mabuti malinaw ng hangaang sa red carpet welcome lang ang makikita mo na puhunan ng ating pamahalaan; at sabay sakay (front seat pa) sa pagdiriwang dahil sa mga natamong tagumpay. Masagwa pakingan ang mga naging pahayag ng ilang mga opisyal ng lunsod na pilit sinasakay sa tagumpay ng ilang mga individual na sadyang nagsikap (sariling sikap) upang makamit ang kanilang mga tagumpay na naangkin. Marahil sapat na ang territorial pride na ating ipagyabang na kababayan naming yan, o taga doon yan sa amin. Subalit kung sasabihin na yaan ay tagumpay dahil sa programang magandang Gensan e maghunos dili naman kayo.
Hindi masama na makisaya sa tagumpay ng isang kababayan.
Ang masama ay makisakay dahil lang sa puhunan na panawagan sa text vote at maglatag lang ng red carpet, at gagamitin mo na bilang basehan ng tagumpay ng Magandang Gensan, na wala naman kayong nailatag na puhunan upang makamit ng naturang individual na nagbibigay ng karangalan, KUNG NAIS NINYONG MAKIBAHAGI SA ANI; MAKIBAHAGI KAYO SA PAGTATANIM.
PARA HINDI DAWAT LIMPYO LANG KAYO.
No comments:
Post a Comment